I have this friend, I used to call him "tatang" kase tinatawag nya kong "manang". Grade 5 ako, 3rd year sya. 4 years ko na syang hindi nakikita, kinakamusta nya ko sa facebook pag minsan pero bihira ko sya replyan... and just this morning... may nagsabi na saken na wala na sya.
May cancer ka na pala, akala ko nagpakalbo ka lang. Naalala ko dati sayo ako nagsusumbong pag nagagalit ako kay Kups. Tapos lagi mo ko kinakamusta. Wala rin akong maalalang nakita kitang badtrip, naiinis, o galit kase masayahin kang tao. I'm sorry, tatang. Ngayon ko lang narealize lahat lahat kung kelan wala ka na. I can't believe this. You're a good man, I don't understand why you had to go through this. Nawala ka nung friday, tapos birthday mo ngayong sunday. Sana hindi nalang ikaw yung nagka-cancer. Sana ibang tao nalang. I am so sorry tatang. Alam ko pinapatawad mo na ko kase mabuti kang tao. Rest in peace and happy birthday.
No comments:
Post a Comment